DTI sa mga employer: WFH puwede pa rin

Hinikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga employer na magpatupad pa rin ng work from home setup sa mga empleyado sa kabila na mas marami nang pinayagang magbukas na negosyo sa 100 porsiyentong kapasidad sa ilalim ng mga general community quarantine (GCQ) area.

The post DTI sa mga employer: WFH puwede pa rin first appeared on Abante.

dti sa mga employer wfh puwede pa rin - DTI sa mga employer: WFH puwede pa rin
wfh - DTI sa mga employer: WFH puwede pa rin

Hinikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga employer na magpatupad pa rin ng work from home setup sa mga empleyado sa kabila na mas marami nang pinayagang magbukas na negosyo sa 100 porsiyentong kapasidad sa ilalim ng mga general community quarantine (GCQ) area.

“Isa pong paalala na allowed pa rin at ine-encourage in fact ang work from home. So ang importante lang po ay tuloy ang suweldo ng workers na ito kahit nagtatrabaho sa bahay,” saad ni Trade Secretary Ramon Lopez sa panayam sa radyo nitong Lunes.

“Sa mga binuksan natin, karamihan dito ‘yung mga services, ‘yung mga architecture, IT, engineering services, legal, accounting, mga programming. Ang mga magbubukas lang po diyan, ‘yung talagang physical siguro, ‘yung mga retail, wholesale trade, repair, ‘yung mga tindahan sa mall, pero siyempre ‘yung pwedeng work from home, work from home din sila,” dagdag niya.

Samantala, ang mga barberya at salon ay pinayagan lang mag-operate sa hanggang 75 porsiyentong kapasidad. (IS)

The post DTI sa mga employer: WFH puwede pa rin first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *