DSWD palusot sa P10B tipid ayuda, butata kay Drilon

Dapat magpakita ng kabaitan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbibigay ng ayuda sa mahihirap na pamilyang Pinoy sa gitna ng pandemya para may magastos sila sa pang-araw-araw nilang buhay.

The post DSWD palusot sa P10B tipid ayuda, butata kay Drilon first appeared on Abante.

dswd palusot sa p10b tipid ayuda butata kay drilon - DSWD palusot sa P10B tipid ayuda, butata kay Drilon
abante drilon 1 - DSWD palusot sa P10B tipid ayuda, butata kay Drilon

Dapat magpakita ng kabaitan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbibigay ng ayuda sa mahihirap na pamilyang Pinoy sa gitna ng pandemya para may magastos sila sa pang-araw-araw nilang buhay.

Ito ang sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon matapos mabunyag sa pagdinig sa Senado na 14 milyon lang na pamilyang Pinoy sa 18 milyong target ang nabigyan ng ayuda sa ikalawang bugso ng Social Amelioration Program (SAP).

Dahil hindi naipamahagi ang lahat ng pondo ng SAP, nagkaroon ng P10 bilyong savings ang DSWD.

Sa pagdinig noong nagdaang linggo ay inamin ni DSWD Secretary Roland Bautista na nabasawan ang benepisaryo ng cash assistance dahil sa ‘double compensation’.

“Dapat maging lenient na. Unang-una may listahan ‘yung DSWD diyan dahilan sa 4Ps program, ‘yung listahan ng mahihirap. ‘Yan talaga ay outdated na dahil dumami ang mahihirap,” pahayag ni Drilon.

“E ano kung magkadoble? Malaking pera ba yan? Kaliit ‘yan para sa mga mahihirap. Mali ‘yung polisiya na hindi mo idi-distribute ‘yung P10 bilyon dahil sinasabi natin na nagkadoble,” dagdag pa nito.

Binigyang-diin ng minority leader lalong naghirap ang mga Pinoy dahil sa pandemya kung saan karamihan nawala pa ng trabaho o kabuhayan.

“Ang sabi nga ni Sec. [Carlos] Dominguez, itong panahon ngayon, kailangan gumastos tayo dahilan sa ‘yung ekonomiya natin bumabagsak,” ani Drilon.

“Bakit bumabagsak? Walang pera ang taumbayan para mamili ng pagkain, maraming nawalan ng trabaho. Kaya kailangan gumastos tayo ngayon para ma-stimulate ang ekonomiya natin,” wika pa nito. (Dindo Matining)

The post DSWD palusot sa P10B tipid ayuda, butata kay Drilon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *