Drug war aprub sa 82% ng mga Pinoy Mga kritiko ni Digong supalpal!

IPINAMUKHA ng Malacañang sa mga lokal at dayuhang kritiko ang resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey kung saan nananatiling mataas at kuntento ang mga Pilipino sa kampanya ng Duterte administration sa iligal na droga.

drug war aprub sa 82 ng mga pinoy mga kritiko ni digong supalpal - Drug war aprub sa 82% ng mga Pinoy Mga kritiko ni Digong supalpal!
digong 7 - Drug war aprub sa 82% ng mga Pinoy Mga kritiko ni Digong supalpal!

IPINAMUKHA ng Malacañang sa mga lokal at dayuhang kritiko ang resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey kung saan nananatiling mataas at kuntento ang mga Pilipino sa kampanya ng Duterte administration sa iligal na droga.
Kasunod ito ng survey result na 82% sa mga adult Filipino ay kuntento sa anti-drug campaign ng kasalukuyang administrasyon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagsalita na ang sambayanan at nararamdaman nila ang tunay na pagbabago sa liderato ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte.
Nagsalita na aniya ang mayor­ya ng mga Pilipino sa drug war ng gobyerno taliwas sa nais palitawin ng mga dayuhang kritiko na malala ang problema ng mga pagpatay sa bansa kaugnay sa mga sangkot sa iligal na droga.
“This is once again a loud and clear repudiation of the incorrigible opposition and vocal det­ractors of the President and his administration who continue to spread lies and taint the reputation of the government,” ani Pa­nelo. (Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *