Drug suspect tinumba sa lamay

Nasawi ang 31-a­nyos na lalaki na bahagi umano ng drug watch list ng kanilang barangay, matapos na barilin ng dalawang suspek riding-in-tandem habang nakikipaglamay sa nasawi niyang kaanak, kamakalawa nang gabi sa Sampaloc, Maynila.

The post Drug suspect tinumba sa lamay appeared first on Abante News Online.

drug suspect tinumba sa lamay - Drug suspect tinumba sa lamay
gun 4 - Drug suspect tinumba sa lamay

Nasawi ang 31-a­nyos na lalaki na bahagi umano ng drug watch list ng kanilang barangay, matapos na barilin ng dalawang suspek riding-in-tandem habang nakikipaglamay sa nasawi niyang kaanak, kamakalawa nang gabi sa Sampaloc, Maynila.

Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Joel Aquino, residente ng 916 Quezon Boulevard, Sampaloc, dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakatakas naman ang dalawang hindi nakikilalang suspek sakay ng hindi naplakahan na motorsiklo.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-Police Station 4, alas-4:45 nang hapon nang maganap ang krimen sa Quezon Boulevard, malapit sa kanto ng Ler-ma Street sa Sampaloc.

Bago ang insidente nagpunta ang biktima sa lamay ng isang kaanak nang bigla na lang dumating ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo at kaagad na pinagbabaril ang nabig-lang biktima.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sa direksiyon ng northbound lane ng Quezon Boulevard.

Patuloy na inaalam naman ng pulisya kung kinalaman sa iligal na droga ang krimen. (J­uliet de Loza-Cudia)

The post Drug suspect tinumba sa lamay appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *