Drug queen ng Maynila tinutugis sa US

Pinaghahanap na ng United States Homeland Security ang tinaguriang drug queen na si Guia Gomez Castro.

drug queen ng maynila tinutugis sa us - Drug queen ng Maynila tinutugis sa US
Abante US 1 - Drug queen ng Maynila tinutugis sa US

Pinaghahanap na ng United States Homeland Security ang tinaguriang drug queen na si Guia Gomez Castro.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) spokesman at Undersecretary Markk Perete, kumikilos na ang mga awtoridad ng Estados Unidos para matunton ang kinaroroonan ni Castro sa Amerika at maibalik ito sa Pilipinas.

Una nang inihayag ng Bureau of Immigration na nagawang makalabas sa Pilipinas ni Castro noong Setyembre 21 sa kabila ng iba’t ibang kaso na kinakaharap nito.

Si Castro ay isang elected barangay chairperson sa Sampaloc, Maynila na inihayag ng Philippine National Police na sangkot umano sa operasyon ng ‘ninja cops’ na nagre-recycle ng mga nakumpiskang iligal na droga. (Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *