Drug den sa Maynila nalansag, 14 tiklo

Arestado ang 14 katao matapos salakayin ng magkasanib na operatiba ng Manila Police District-Police Station 4 at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang drug den kamakalawa sa magkahiwalay na lugar sa Sampaloc, Maynila.

drug den sa maynila nalansag 14 tiklo - Drug den sa Maynila nalansag, 14 tiklo
Abante kulong - Drug den sa Maynila nalansag, 14 tiklo

Arestado ang 14 katao matapos salakayin ng magkasanib na operatiba ng Manila Police District-Police Station 4 at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang drug den kamakalawa sa magkahiwalay na lugar sa Sampaloc, Maynila.

Isinagawa ang pagsalakay alas-12:30 nang tanghali sa 4835 Gen. Geronimo St., Barangay 432, Sampaloc, Maynila at nakumpiska ang may 25 gramo ng shabu na may street value na P170,000 at mga drug paraphernalia.

Kinilala ni Atty. George Paul Alcovindas, officer-in-charge ng PDEA RO-NCR ang mga suspek na sina Jun Caranera, 30-anyos; Christopher Sicat, 22; Fernando Manuel, 46; Christian Sicate, 20; Jeff Rejir 21; Kenneth Caranera y Sanoro, 25; at Mary Jane Sicat, 52, na siyang target ng mga awtoridad.

Nalaman na kasabay ng naturang pagsalakay, isa pang search warrant ang ipinatupad sa lugar na ikinaaresto nina Annalea Pateo, 44; Eduardo Rosete Gontilla, 59; Ronnie Clemente Roxas, 35; Alexander Alvario Oleja, 40; Ricky Morales Dicdican, 27; Nikko Rosario Tadefa, 30 at Julio Perez Menes, 31.

Nakumpiska naman sa grupo ang 29 gramo ng shabu at P136,000.00 halaga ng iligal na droga at drug paraphernalia. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *