Drug convict inabsuwelto ng SC

INABSUWELTO ng Supreme Court (SC), ang isang drug convict na may walong taon nang nagsisilbi ng kanyang sentensiya sa Davao Prison and Penal farm matapos pagdudahan ang integridad ng ebidensiya laban sa akusado.

The post Drug convict inabsuwelto ng SC appeared first on Abante News Online.

drug convict inabsuwelto ng sc - Drug convict inabsuwelto ng SC
Supreme court 1 - Drug convict inabsuwelto ng SC

INABSUWELTO ng Supreme Court (SC), ang isang drug convict na may walong taon nang nagsisilbi ng kanyang sentensiya sa Davao Prison and Penal farm matapos pagdudahan ang integridad ng ebidensiya laban sa akusado.

Sa 19-pahinang desisyon ni SC Chief Justice Lucas P. Bersamin, inatasan ng SC First Division ang Davao Prison and Penal Farm na kaagad palayain si Rogelio Yagao sa kanyang detensiyon maliban na lamang kung mayroon pa itong kaso.

Nabatid na noong 2011 ay hinatulan si Yagao ng Cagayan de Oro Regional Trial Court dahil sa paglabag sa Section 5, Article II of RA 9165 kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang naturang desisyon ay kinatigan ng Court of Appeals noong 2014.

Sa record, si Yagao ay nahuli na may dalang 7.40 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation noong 2006 sa Zone 4, Bugo, Cagayan de Oro City.

Iginiit ng SC na nabigo ang prosekusyon na ma-establisa ang elemento sa pagdi-deliver ng ipinagbabawal na droga ng akusado.

Sinabi ng SC na inaresto si Yagao nang ilabas nito sa kanyang bulsa ang marijuana.

Ayon sa SC, sa ilalim ng sirkumstansiya walang naganap na bentahan ng ipinagbabawal na droga dahil ang pag-deliver ng ipinagbabawal na droga sa poseur buyer ay hindi pa nagaganap dahilan para pagdudahan ng SC ang integridad ng ebidensiya. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Drug convict inabsuwelto ng SC appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *