Driver sumalpok sa truck dedo

Patay ang isang empleyado ng AFPSLAI nang sumalpok ang minamaneho nitong kotse sa kasalubong na 10 wheeler truck sa diversion road sa Lucena City nitong Sabado.

The post Driver sumalpok sa truck dedo first appeared on Abante.

driver sumalpok sa truck dedo - Driver sumalpok sa truck dedo
Dedo - Driver sumalpok sa truck dedo

Patay ang isang empleyado ng AFPSLAI nang sumalpok ang minamaneho nitong kotse sa kasalubong na 10 wheeler truck sa diversion road sa Lucena City nitong Sabado.

Kinilala ng Lucena City Police ang biktima na si Julito Donato Delos Reyes, 54, residente ng Marikina City. Dinaklara itong dead on arrival sa ospital sa Lucena City dahil sa mga tinamong pinsala sa ulo at katawan.

Nakuhanan pa ng dash cam ng kasunod na sasakyan ng truck ang pangyayari. Batay dito, iniwasan ng biktima na masalpok ang sinusundan nitong tricycle habang tinatahak ang highway sakop ng Brgy. Ilayang Dupay.

Nawalan ito ng kontrol at biglang lumiko pakaliwa patungo sa kabilang linya ang minamaneho nitong Pajero kaya nabangga sa tagiliran ng Isuzu Giga truck na minamaneho ni Joaquin Betis.

Sa lakas ng impact, umikot ang nagkayupi-yuping Pajero hanggang sa huminto sa harapan ng truck. Nasa kustodiya na ng Lucena City Police Station ang driver ng truck. (Ronilo Dagos)

The post Driver sumalpok sa truck dedo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *