Driver nawalan ng kontrol: 1 dedo, 4 sugatan

NASAWI ang isa sa sakay ng Toyota Vios sedan nang mabangga sa gate ng bahay at nakatigil na bus bago tuluyang tumaob sa Silang, Cavite Sabado nang madaling-araw.

driver nawalan ng kontrol 1 dedo 4 sugatan - Driver nawalan ng kontrol: 1 dedo, 4 sugatan
abante patay - Driver nawalan ng kontrol: 1 dedo, 4 sugatan

NASAWI ang isa sa sakay ng Toyota Vios sedan nang mabangga sa gate ng bahay at nakatigil na bus bago tuluyang tumaob sa Silang, Cavite Sabado nang madaling-araw.

Hindi na nakaabot sa Silang Specialist Medical Center si Ralph Resare ng Barangay Navarro, Gen. Trias City, Cavite.

Nilalapatan naman ng lunas sa parehong pagamutan ang mga kasama nitong sina Charmaine Garcia, 19-anyos; Danica Faith Posadas, 18; Gabriel Macasojot; at ang driver ng kotse na si Mark Alba, 22 pawang mga taga-Gen. Trias City.

Batay sa ulat ni PCpl. Erwin Laureles ng Silang Municipal Police Station, pawang sakay ang mga biktima ng nasabing kotse na may plakang AJA 1615 at binabagtas ang kahabaan ng Emilio Aguinaldo Highway dakong ala-1:55 nang madaling-araw.

Pagsapit sa Barangay Lalaan 2, Silang, Cavite, nawalan umano ng kontrol ang manibela ng sasakyan kaya tinangka ng driver na ipihit pakanan dahilan upang bumulusok sa isang bakal na gate na pagmamay-ari ni Justina Servas, 73.

Nagtuloy-tuloy na umandar ang sasakyan patungo sa kalsada hanggang sa ito ay tumaob at sakupin ang kabilang kalsada at mabangga naman ang isang nakaparadang pampasaherong bus.

Inaalam pa kung inaantok ang driver ng kotse na totally wrecked. (Gene Adsuara)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *