Driver nakatulog, bus sumalpok sa poste ng LRT

SUGATAN ang pito katao kabilang ang driver ng isang bus matapos bumangga sa poste ng Light Rail Transit (LRT) ang minamanehong bus nang sinasabing nakatulog na driver kahapon nang umaga sa Ermita, Maynila.

driver nakatulog bus sumalpok sa poste ng lrt - Driver nakatulog, bus sumalpok sa poste ng LRT
ABANTE sumalpok - Driver nakatulog, bus sumalpok sa poste ng LRT

SUGATAN ang pito katao kabilang ang driver ng isang bus matapos bumangga sa poste ng Light Rail Transit (LRT) ang minamanehong bus nang sinasabing nakatulog na driver kahapon nang umaga sa Ermita, Maynila.

Ayon kay P/Lt. Col. Igmidio Bernaldez, station commander ng Manila Police District-Police Station 5, naganap ang insidente alas-9:10 nang umaga.

Binabagtas umano ng Alabang Transport Service Coope­rative Bus na may plate number UVD-442 ang northbound lane ng P. Burgos St. nang bumangga ito sa poste ng LRT sa harap ng Manila City Hall.

Kabilang sa nasugatan sina Arnel Ramirez, 36, driver; Norma de la Rosa, 62; Charlie Chua, 26; Adelia Leynes,16; Danny Reyes, 36; Jasmine Peral­ta, 22; at David Timothy Improgo, 21, pawang pasahero ng bus.

Ayon sa isang pasahero, binabagtas na umano nila ang lugar papunta sa Lawton ngunit pagsapit sa lugar ay nakatulog ang driver kaya bumangga ito sa poste ng LRT.

Mabilis namang isinugod sa Justice Abad Santos General Hospital ang mga nasugatan kabilang ang driver na naipit sa bus. (Juliet de Loza-­Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *