Driver inutas habang tulog

TIGOK ang isang jeepney driver nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang natutulog sa loob ng sasakyan sa Batangas City kahapon nang madaling-araw.

The post Driver inutas habang tulog appeared first on Abante News Online.

driver inutas habang tulog - Driver inutas habang tulog
patay baril - Driver inutas habang tulog

By Ronilo Dagos

TIGOK ang isang jeepney driver nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang natutulog sa loob ng sasakyan sa Batangas City kahapon nang madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Eduardo Oserin, 39-anyos, tubong-Mulanay, Quezon at residente ng Brgy. Paharang West, Batangas City.

Batay sa report ng Batangas City police station, nangyari ang krimen ala-1:30 nang umaga sa national highway sakop ng Brgy. Balagtas.

Natutulog ang biktima sa loob ng nakaparadang pampasaherong jeep nang pagbabarilin ito ng suspek gamit ang isang kalibre .45 baril.

Agad ding tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Isinugod naman sa ospital ang biktima subalit idineklara na itong patay ng doktor.

Inaalam pa ng pulisya kung sino ang salarin at kung ano ang motibo sa krimen.

The post Driver inutas habang tulog appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *