Drilon sa anti-dynasty law: Hindi ako namemersonal

Nilinaw ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na walang personal ang paghamon niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang kanyang political clout para hikayatin ang Kongreso na magpasa ng anti-dynasty law.

drilon sa anti dynasty law hindi ako namemersonal - Drilon sa anti-dynasty law: Hindi ako namemersonal
drilon 2 - Drilon sa anti-dynasty law: Hindi ako namemersonal

Nilinaw ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na walang personal ang paghamon niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang kanyang political clout para hikayatin ang Kongreso na magpasa ng anti-dynasty law.

Sa isang panayam sa radyo, binigyang-diin ni Drilon na hindi niya pinipersonal ang pamilya ni Duterte.

“Hindi ko pinipersonal ang pamilya ng pangulo. Yan po ay prinsipyo ko. Bago pa dumating ang pangulo sa Malacañang ay ‘yan na po ang aking paniniwala,” pahayag ni Drilon sa panayam sa DZBB.

Aniya, may sapat na ‘standard’ umano ang pangulo para itulak ang anti-dynasty law.

“Ako ay naniniwala na may sapat na standard ang pangulo na kaniyang itutulak itong anti-dynasty law considering his political clout,” sambit pa nito.

Sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes, pinitik ni Duterte si Drilon at tinawag pa itong ipokrito at inakusahang pinapanigan ang pamilya Lopez, ang may-ari ng ABC-CBN Corporation. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *