Drilon kay Locsin: Pasaporte ng ‘drug queen’ kanselahin

HINILING ni Senate­ Minority Leader Franklin Drilon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang agarang pagkansela sa passport­ ng diumano’y ‘drug queen’ na si Guia ­Gomez Castro, na kinokonsidera ngayong isang pugante.

drilon kay locsin pasaporte ng drug queen kanselahin - Drilon kay Locsin: Pasaporte ng ‘drug queen’ kanselahin
ABANTE Drilon - Drilon kay Locsin: Pasaporte ng ‘drug queen’ kanselahin

HINILING ni Senate­ Minority Leader Franklin Drilon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang agarang pagkansela sa passport­ ng diumano’y ‘drug queen’ na si Guia ­Gomez Castro, na kinokonsidera ngayong isang pugante.

Ito’y matapos makumpirmang umalis ng Pilipinas ang dating chairman ng barangay 487 Zone sa Maynila noong Setyembre 21 sakay ng Cebu Pacific flight patungong Bangkok, Thailand.

Sa ilalim ng Republic Act 8239 o Philippine Passport Act, sabi ni Drilon, ang Foreign Affairs secretary ay may kapangyarihang magkansela ng passport ng isang fugitive.

“It appears that Mrs. Castro does not intend to return to the country and face the warrants of arrest issued against her since 2002 for violation of Republic Act 6425 or the Dangerous Drugs Act. Hence, she is a fugitive from justice,” paliwanag ni Drilon.

“The DFA, to avoid miscarriage of justice and by virtue of the Philippine Passport Act, can validly and lawfully cancel her passport so we can restrict Castro’s movement, and summon her back to the country to face charges against her,” dagdag ito.

Si Castro ay ­dinadawit sa recycling ng mga iligal na droga sa tulong ng mga ‘ninja cops’.

Nauna nang sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Guillermo Eleazar na si Castro ay protektado ng mga tiwaling pulis.

Galing pa raw sa mga operasyon ng pulis ang suplay ng droga ni Castro at kumikita umano ito ng P20 milyon kada linggo. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *