DPWH-Villar may P800M pork bawat cong

Hindi lang P500 milyon kundi P800 milyon bawat congressional district ang inilaan ng Department of Public Works (DPWH) para sa taong 2020.

dpwh villar may p800m pork bawat cong - DPWH-Villar may P800M pork bawat cong
abante DPWH - DPWH-Villar may P800M pork bawat cong

Hindi lang P500 milyon kundi P800 milyon bawat congressional district ang inilaan ng Department of Public Works (DPWH) para sa taong 2020.

Isiniwalat ni CWS Party-list Rep. Romeo Momo, nakapaloob ito sa panukalang P534.6 bilyong budget ng kagawarang pinamumunuan ni Secretary Mark Villar.

Ayon kay Momo, vice-chair ng House Committee on Appropriations, ang pinakamababang alokasyon sa bawat congressional district ay P800 milyon habang ang pinakamalaki ay P5 bilyon sa isang distrito lamang.

“Well ang pinaka malaki yata nasa vicinity of P5 billion, pinaka maliit is P800 Million,” saad ni Momo.

Inamin ni Momo, dating undersecretary for operations sa DPWH noong Aquino Administration, na hindi pantay-pantay ang distribusyon ng pondo sa bawat congressional district.

“There is already a listing kung sino ang mas malaki at maliit. Well there is no equal allocation for each district. There is an equitable allocation,” dagdag ni Momo.

Taliwas ito sa pangako ni House Speaker Alan Cayetano noong Agosto na P400 hanggang P500 milyon ang matatanggap na pondo ng bawat congressional district.

Ang pondo sa bawat congressional district ay maituturing na pork barrel fund ng mga kongresista dahil magkakaroon sila ng papel sa paggamit ng pondo.

Ang pork barrel fund ang kalimitang pinagkukunan ng komisyon ng mga mambabatas. (JC Cahinhinan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *