DPWH-Villar bet mga Chinese worker

Mistulang pinaboran pa ni Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga Chinese worker kesa sa mga Pinoy sa mga infrastructure project dahil sa kaalamang teknikal ng mga ito.

The post DPWH-Villar bet mga Chinese worker first appeared on Abante.

dpwh villar bet mga chinese worker - DPWH-Villar bet mga Chinese worker
abante mark villar - DPWH-Villar bet mga Chinese worker

Mistulang pinaboran pa ni Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga Chinese worker kesa sa mga Pinoy sa mga infrastructure project dahil sa kaalamang teknikal ng mga ito.

Sa pagdinig ng panukalang P666.47 bilyon pondo ng DPWH sa 2021 ay tinanong ni Senador Francis Pangilinan ang ahensiya kung ang pagkuha sa mga Chinese worker ay kondisyon para sa infrastructure deal sa mga proyektong pinondohan Official Development Assistance (ODA).

“Given the [high level of] unemployment rate we are facing due to COVID, is the employment of foreign workers a condition for the approval of these ODAs?” tanong ni Pangilinan kay DPWH Secretary Mark Villar.

Paglilinaw naman ng kalihim, hindi kondisyon para sa pag-apruba ng mga proyektong pinondohan ng ODA ang mga Chinese worker.

“No, it is not a condition. A lot of these new projects, they do come with new technologies and it will require some specialization,” sagot ni Villar.

“Therefore, sometimes, in some of our projects, you see some level of foreign workers, not necessarily Chinese. We have Japanese, we have Korean… There are certain special skills that they have that we need in order to complete the project,” saad pa nito.

Ayon pa kay Villar, mayorya pa rin umano ng mga manggagawa sa mga infrastructure project na ito ay mga Pinoy.

Giit naman ni DPWH Undersecretary Emil Sadain, mas marami pa ring manggagawang Pinoy kesa Chinese sa dalawang bridge project sa Maynila.

Sa Binondo-Intramuros project, 55% mga Pinoy habang 45% mga Chinese.

Sabi ng senador, nakatanggap siya ng ulat na mas inuuna ang mga Chinese worker kesa sa mga Pinoy sa mga kritikal infrastructure project. (Dindo Matining)

The post DPWH-Villar bet mga Chinese worker first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *