DPWH korapsyon sinawsawan ng NPA

Ibinunyag ng isang nagpapakilalang dating rebeldeng komunista na tumatanggap ang Communist Party of the Philippines (CPP) ng cut mula sa mga contractor ng infrastructure project ng gobyerno.

The post DPWH korapsyon sinawsawan ng NPA first appeared on Abante.

dpwh korapsyon sinawsawan ng npa - DPWH korapsyon sinawsawan ng NPA
abante dpwh - DPWH korapsyon sinawsawan ng NPA

Ibinunyag ng isang nagpapakilalang dating rebeldeng komunista na tumatanggap ang Communist Party of the Philippines (CPP) ng cut mula sa mga contractor ng infrastructure project ng gobyerno.

Sa pagdinig ng Senate defense committee sa isyu ng ‘red-tagging’ ng ilang opisyal ng miltar at pulisya sa mga celebrity at grupo, inihayag ni Jeffrey Celiz o mas kilala sa tawag na “Ka Eric” na may kontak ang CPP sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para malaman kung anu-ano ang mga proyekto na puwede nilang pagkuhanan ng “cut” o kikilan.

“Ang source po ng information namin kung paano nalalaman ang mga projects, saan ang location, magkano ang cost, sino ang project manager: DPWH,” pahayag ni Celiz batay sa pagtatanong ni Senador Panfilo Lacson, chairman ng komite.

“If there is one single biggest mafia-style, highly organized, most prolific extortion machinery to come before the face of the earth, it’s the CPP-NPA-NDF Communist Party of the Philippines, the New People’s Army, and the National Democratic Front. At hindi yan ‘yan napipigilan ng government,” dagdag nito.

Bago ito, sinabi ni Celiz sa komite na bagama’t hindi kayang pabagsakin ng CPP-NPA-NDF ang gobyerno ay nagagawa naman nilang pagbayarin ang Smart at Globe ng P200 milyon bawat isa kada taon.

“They can make P300-P400 million from NGO [non-governmental organization] racket. And they can make triple A contractors na gumagawa ng airports, ports…,” dagdag pa nito.

Pero giit ni Lacson, ‘open secret’ na ang sinabi ni Celiz partikular ang extortion activities ng CPP sa mga telcos gayundin sa mga contractor o sa mga proyekto ng gobyerno kung saan kumukuha ang grupo ng dalawang porsiyentong cut.

“Two percent ang [cut] ng NPA sa mga infra. Naging three percent na ba? Walang aandar, lalo sa mga influence kung walang two percent from the contractor. That’s in addition to the percentage of some congressmen,” sabi ni Lacon.

Sinang-ayunan naman ni Celiz na dalawang porsiyento ang cut ng CPP-NPA sa mga proyekto infrastructure project ng gobyerno. “I agree sir,” sagot nito sa tanong ni Lacson.

Bukod diyan, ibinunyag din ni Celiz na nagagawa ng komunistang grupo na paikutin ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa pamamagitan ng pagtayo ng ‘network of conduit’ ng NGOs.

Ang NGO’s aniyang ito ang ang tumatanggap ng P300 milyon hanggang P400 milyon mula sa kanilang mga partner sa ilang bansa sa Europa kagaya ng Beligium at Netherlands.

Inatasan naman ni Lacson si Celiz na isumite sa komite ang listahan ng mga NGO na umaaktong conduit sa CPP. (Dindo Matining)

The post DPWH korapsyon sinawsawan ng NPA first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *