DOTr umaray sa pitik ni Poe sa MRTirik

DOTr umaray sa pitik ni Poe sa MRTirik

NASAKTAN ang Department of Transportation (DOTr) sa banat ni Senador Grace Poe hinggil sa estado ng Metro Rail Transit Line 3(MRT-3) na halos kada linggo nang nasisiraan kahit may bagong service provider.

The post DOTr umaray sa pitik ni Poe sa MRTirik appeared first on Abante News Online.

dotr umaray sa pitik ni poe sa mrtirik - DOTr umaray sa pitik ni Poe sa MRTirik
mrt 3 - DOTr umaray sa pitik ni Poe sa MRTirik

NASAKTAN ang Department of Transportation (DOTr) sa banat ni Senador Grace Poe hinggil sa estado ng Metro Rail Transit Line 3(MRT-3) na halos kada linggo nang nasisiraan kahit may bagong service provider.

Sa pahayag ng DOTr sa kanilang official Facebook account, nilinaw nila na hindi totoong lumalala ang sitwasyon ng MRT-3

Paliwanag ng DOTr na malaki ang ibinaba sa bilang ng unloa­ding incidents sa MRT-3 kumpara noong mga nakaraang taon. Mula Enero hanggang Hunyo 2016, bago pumasok ang administrasyong Duterte, nakapagtala ng 333 unloading incidents ang MRT-3, kumpara sa 14 unloading incidents lamang na naitala mula Enero hanggang Hunyo ngayong 2019.

Igiit pa ng DOTr na ang huling nangya­ring unloading incident ng MRT-3 ay bunsod ng door failure, na resulta ng pagsandal ng mga pasahero sa pintuan ng tren.

Sa usapin naman ng service interruptions, mula sa 31 na naitala noong Enero hanggang Hunyo 2016, bumaba ito sa 12 lamang mula Enero hanggang Hunyo 2019.

Dagdag pa nito na unti-unting nabibigyan ng solusyon ang mga sira-sirang riles at aircon, kulang-kulang na spareparts mula nang mag-takeover ang Sumi­tomo-Mitsubishi Heavy Industries-TES Philippines bilang bagong rehabilitation and maintenance provider ng MRT-3 noong Mayo 1, 2019.

Sa pagpasok ng bagong maintenance service provider, mahigit 50% ng mga bagong riles ay nai-ship na mula Japan, at inaasahang darating sa bansa ngayong Hulyo hanggang Agosto. Nasa 60 na bagong airconditio­ning units na ang nabili at na-install sa mga bagon ng MRT-3.

Nanindigan ang DOTr na ginagawan na nila ng paraan na maayos ang MRT-3 at umabot sa high-grade design condition na ang mga tren.

Tuloy naman ang banat ni Poe laban sa DOTr.

“Pag hindi tumirik, umuusok o tumutulo,” diin ni Poe na siyang chairman ng Senate committee on public services.

“Ganitong klaseng serbisyo ba ang patuloy na mararanasan ng mga mananakay ng MRT?” tanong pa nito.

Dismayado si Poe sa serbisyo ng MRT-3 dahil sa kabila ng ginagawang pagkumpuni ng Sumitomo sa mga tren, nakakaranas pa rin ng aberya ang mga operasyon nito.

“Kung may pagpipilian lang, hindi ganitong klase ng train ang sasakyan ng ating mga kababayan,” ayon pa sa senadora. (Vick Aquino/Dindo Ma­tining)

The post DOTr umaray sa pitik ni Poe sa MRTirik appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *