DOTR pasiklab, 21 bagon napatakbo sa MRT

Ibinida ng Department of Transportation (DOTr) na maaari nang makapagpatakbo ng 21 tren ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na kung saan mababawasan na rin ang waiting interval sa pagitan ng mga pasahero at tren.

The post DOTR pasiklab, 21 bagon napatakbo sa MRT first appeared on Abante.

dotr pasiklab 21 bagon napatakbo sa mrt - DOTR pasiklab, 21 bagon napatakbo sa MRT
mrt 3 - DOTR pasiklab, 21 bagon napatakbo sa MRT

Ibinida ng Department of Transportation (DOTr) na maaari nang makapagpatakbo ng 21 tren ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na kung saan mababawasan na rin ang waiting interval sa pagitan ng mga pasahero at tren.

Ayon kay DOTr Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, nasa 20 train lamang ang unang nakakayanan ng MRT na tumakbo dahil nakaabang ang dalawa sa depot at boundary kung saan, ngayon ay maari nang tumakbo ang 21 tren matapos na masiguro ang operasyon ng tatlong Dalian trains.

“First time in history po na nakapag-field o nakapaglabas/nakapagpatakbo ang MRT-3 sa main line ng 21 train sets,” ayon kay Libiran.

Nilinaw pa ni Libiran na plano pa ng MRT-3 na patakbuhin ang 24 trainsets matapos ang maayos na rehabilitation ng mga riles.

Sa kasalukuyan ay wala nang pagtirik sa MRT-3 dahil sa bagong maintenance provider nito. (Vick Aquino)

The post DOTR pasiklab, 21 bagon napatakbo sa MRT first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *