DOTr: Monumento-PITX 1 oras na lang sa EDSA busway

Ipinagmalaki ng Department of Transportation ang umiksing oras ng biyahe mula sa Monumento, Caloocan City hanggang sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) dahil sa EDSA Busway.

dotr monumento pitx 1 oras na lang sa edsa busway - DOTr: Monumento-PITX 1 oras na lang sa EDSA busway
dotr - DOTr: Monumento-PITX 1 oras na lang sa EDSA busway

Ipinagmalaki ng Department of Transportation ang umiksing oras ng biyahe mula sa Monumento, Caloocan City hanggang sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) dahil sa EDSA Busway.

Ayon sa DOTr, ang dating dalawa o tatlong oras ng biyahe mula Monumento hanggang PITX ay 45 minuto hanggang isang oras na lamang ngayon sa pamamagitan ng EDSA Busway.

Paliwanag ng DOTr, gamit ang “dedicated median lanes” sa kahabaan ng EDSA, layon ng busway na mabigyan ng mas mabilis, mas episyente at mas ligtas na biyahe ang mga commuter.

Nabatid pa sa DOTr na 80% kumpleto na ang 16 na bus stop na itinatayo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *