Dota player binoga sa ulo

TUMIMBUWANG sa loob ng computer shop ang isang lalaki nang barilin ng suspek habang abala sa paglalaro ng DOTA sa Malabon City, kahapon nang madaling-araw.

The post Dota player binoga sa ulo appeared first on Abante News Online.

dota player binoga sa ulo - Dota player binoga sa ulo
dead 5 - Dota player binoga sa ulo

TUMIMBUWANG sa loob ng computer shop ang isang lalaki nang barilin ng suspek habang abala sa paglalaro ng DOTA sa Malabon City, kahapon nang madaling-araw.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Jeremi Cablaida, 22-anyos, ng Adante St., Brgy. Tañong, matapos magtamo ng bala mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa ulo.

Kaagad namang tumakas ang suspek na nakilala sa alyas ‘Bornok’, nasa 20-30 ang edad, 5’2-5’5 ang taas, nakasout ng itim na pantalon, t-shirt at bullcap.

Sa report kay Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao, dakong alas-12:30 nang madaling-araw, abala ang biktima sa paglalaro ng dota sa isang computer cafe sa kahabaan ng Estrella St., Brgy. Tañong, ng nasabing lungsod.

Biglang sumulpot ang suspek na armado ng baril mula sa kanyang likuran at walang sabi-sabing pinutukan ito sa ulo.

Makaraan ang pamamaril, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksyon dala ang ginamit na baril.

Ayon sa pahayag ng kapatid ng biktima na si Arjay, nakatanggap umano ito ng death threat mula kay Bornok.

Inaalam pa ng pulisya ang tunay na motibo sa insidente. (Orlan Linde)

The post Dota player binoga sa ulo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *