DOT nakapuntos sa Malacañang

PINURI ng Malacañang ang ­Department of Tourism (DOT) at mga ­industry partner ng ahensiya dahil sa mahusay na trabaho.

dot nakapuntos sa malacanang - DOT nakapuntos sa Malacañang
Abante DOT - DOT nakapuntos sa Malacañang

PINURI ng Malacañang ang ­Department of Tourism (DOT) at mga ­industry partner ng ahensiya dahil sa mahusay na trabaho.

Ito ay matapos mapabilang ang Pilipinas sa walong pinaka-nangu­ngunang paboritong bansa na bisitahin ng mga dayuhang turista.

“We commend the Department of Tourism (DOT), their industry partners and other stakeholders for their splendid job. In its most recent report, the DOT counted a total of 5,554,950 visitors between January and August 2019. On top of this, the Philippines registered a 14.08% year-on-year increase in the country’s international inbound traffic,” ani Panelo.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na tunay na masasabing ‘it’s more fun in the Philippines!’

Ayon sa kalihim, malaking bagay para sa bansa ang nakuhang ‘Conde Nast Traveler Readers’ Choice Awards 2019 kung saan top 8 most favorite country in the world ang Pilipinas.

May nauna na aniyang dalawang malalaking awards na nakuha ang Pilipinas sa katatapos na 2019 World Travel Awards na ginanap sa Phu Quoc island sa Vietnam.

“The world has spoken: It is truly more fun in the Philippines. We thank the readers of Conde Nast Traveler for making the Philippines 8th in their list of favorite countries in the world. This recognition comes at the heel of the two major awards the Philippines won at the recent 2019 World Travel Awards held at Phu Quoc island in Vietnam,” dagdag pa ni Panelo.

Batay sa datos ng DOT, pumalo na sa mahigit limang milyong turista ang bumisita sa bansa mula Enero hanggang Agosto nitong kasalukuyang taon at inaasahang madadagdagan pa ito hanggang sa matapos ang 2019. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *