DOST hinimok ng scholarship ang mga Grade 12 student

Nanawagan ang Department of Science and Technology-Science Education Institute (DOST-SEI) sa mga interesadong Grade 12 student na nais ituloy ang kanilang edukasyon sa science and technology na mag-apply para sa 2020 Undergraduate Scholarship Program.

The post DOST hinimok ng scholarship ang mga Grade 12 student appeared first on Abante News Online.

dost hinimok ng scholarship ang mga grade 12 student - DOST hinimok ng scholarship ang mga Grade 12 student
grade 12 - DOST hinimok ng scholarship ang mga Grade 12 student

Nanawagan ang Department of Science and Technology-Science Education Institute (DOST-SEI) sa mga interesadong Grade 12 student na nais ituloy ang kanilang edukasyon sa science and technology na mag-apply para sa 2020 Undergraduate Scholarship Program.

Ayon kay DOST Provincial Director Jonathan Viernes na nakabase sa Batac City, bukas na ang kagawaran para sa aplikasyon.

Itinakda ang huling araw para mag-apply ng scholarship sa Setyembre 6, 2019 at isasagawa naman ang nationwide examination sa Oktubre 20, 2019.

Bukas aniya ang aplikasyon sa lahat ng mga estudyante ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) track program at ma­ging sa mga non-STEM student na kabilang sa top 5 percent ng kanilang graduating class.

Para matanggap sa scholarship, kailangang makapasa ang isang aplikante sa 2020 S&T Undergraduate Scholarships Examination at mag-enroll ng four o five-year Bachelor of Science (BS) degree program sa alinmang state university o college o private higher education institution na kinikilala ng Commission on Higher Education.

Pinayuhan ang mga student-applicant na magsumite ng documentary requirements at application form sa DOST-SEI Science and Techno­logy Scholarship Division (STSD) office sa DOST Compound, General Santos Avenue, Bicutan, Taguig City o sa alinmang DOST Regional Office o Provincial Science and Technology Center.

Para sa iba pang kaalaman, bisitahin ang kanilang website na www.sei.dost.gov.ph. (PNA)

The post DOST hinimok ng scholarship ang mga Grade 12 student appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *