Dormitorio pinarusahan sa nawalang ‘combat shoes’

DAHIL sa nawawalang combat boots na ipinatago kay Philippine Mi­litary Academy (PMA) Cadet 4th Class Darwin Dormitorio ang umanoy dahilan kung bakit siya pinarusahan at binugbog ng kanyang mga upper classmen.

dormitorio pinarusahan sa nawalang combat shoes - Dormitorio pinarusahan sa nawalang ‘combat shoes’
ABANTE Darwin Dormitorio - Dormitorio pinarusahan sa nawalang ‘combat shoes’

DAHIL sa nawawalang combat boots na ipinatago kay Philippine Mi­litary Academy (PMA) Cadet 4th Class Darwin Dormitorio ang umanoy dahilan kung bakit siya pinarusahan at binugbog ng kanyang mga upper classmen.

Ito ang inihayag ni Baguio City Police Director Police Col. Allen Rae Co, base sa pahayag ng ilang kadete sa patuloy na imbestigasyon sa pagkamatay ni Dormitorio.

Ayon kay Co, isang linggo na umanong nawawala ang boots na ipinatago kay Dormitorio ng isa nitong upper classmen dahilan upang utusan ng isang First Class cadet ang dalawang 3rd class cadet na bugbugin si Dormitorio.

Nasawi si Dormitorio, 20, nitong Setyembre 18 nang madaling-araw sa loob ng PMA hospital matapos ang kanyang huling pagdadala sa kanya dito dahil sa walang tigil na pagsusuka at pananakit ng tiyan.

Matatandaang u­nang na-confine si Dormitorio sa PMA station hospital noong Agosto 20 hanggang 27 dahil sa pananakit ng tiyan na sinundan naman noong Setyembre 17 bago ang huling pagdadala sa kanya nitong Setyembre 18 nang madaling-araw matapos siyang mamatay. Sa inilabas na autopsy report, namatay si Dormitorio sanhi ng cardiac arrest secondary to internal hemmorhage.

Matatandaang nitong Martes ay kinilala na ang mga kadeteng responsable sa pambubugobog at pagpapahirap kay Dormitorio, na bukod sa pinatalsik na sa PMA ay nakatakda pang sampahan ng kasong kriminal dahil sa pagkamatay ni Dormitorio. Sinibak din sa puwesto ang dalawan­g doktor ng PMA na sumuri sa kadete.

Kahapon ay hinatid na sa huling hantu­ngan si Dormitorio sa kanilang hometown sa Cagayan de Oro City.

Binigyan pa ng full military honor ang kadete sa pribadong sementeryo. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *