Dormitorio kinuryente? Taser sinuko ng suspek

DALAWA pang upperclassman cadet ng Phi­lippine Military Academy (PMA) ang idinagdag na suspek sa pagkamatay ni 4th Class cadet Darwin Dormitorio na direkta umanong nagpahirap sa biktima sa isinagawang hazing sa loob ng akademiya habang isinuko naman ang ‘taser flashlight’ na posibleng ginamit sa pagpapahirap umano sa kadete.

dormitorio kinuryente taser sinuko ng suspek - Dormitorio kinuryente? Taser sinuko ng suspek
ABANTE Darwin Dormitorio  - Dormitorio kinuryente? Taser sinuko ng suspek

DALAWA pang upperclassman cadet ng Phi­lippine Military Academy (PMA) ang idinagdag na suspek sa pagkamatay ni 4th Class cadet Darwin Dormitorio na direkta umanong nagpahirap sa biktima sa isinagawang hazing sa loob ng akademiya habang isinuko naman ang ‘taser flashlight’ na posibleng ginamit sa pagpapahirap umano sa kadete.

Ito ang sinabi kahapon ni Baguio City police Director Police Col. Allen Rae Co, sa pagpapatuloy ng imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ni Dormitorio.

Subalit hindi muna pinangalanan ni Co ang dalawang kadete na sinasabi nitong pawang 3rd class cadet ng PMA.

Hawak na rin ng pulisya ang ‘taser flashlight’ na isinuko ng isa sa mga bagong suspek na ginamit umano sa pangunguryente ng ari ni Dormitorio.
Sa ngayon ay lima na ang kadeteng suspek na direktang may partisipasyon upang pahirapan si Dormitorio, nauna ng pinangalanan ng pulisya sina 3rd class cadet Shalimar Imperial, 3rd class cadet Felix Lumbag, at 1st class cadet Axl Rey Sanupao bilang suspek at pinatalsik na sa akademiya habang inihahanda ang kasong kriminal laban sa mga ito habang hinihintay pa ng pulisya ang sinumpaang salaysay ng 14 na witness sa pagkamatay ng biktima.

Matatandaang nasawi si Dormitorio nitong Setyembre 18 matapos ang ikatlong pagsugod nito sa PMA station hospital dahil sa pananakit ng tiyan at walang tigil na pagsusuka.

Naunang sinabi nitong Miyerkoles ni Co na ang dahilan ng pagpapahirap kay Dormitorio ay dahil sa nawawalang military boots na ipinatago sa kanya ng isang upper classman.

Ang pagkamatay ni Dormitorio ang naging dahilan ng pagbaba sa puwesto ni PMA Supe­rintendent Ronnie Evangelista at Corps of Cadets Commandant Brig. General Bartolome Vicente Bacarro.

Samantala sa isinagawang “meet the press” ni bagong Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. General Noel Clemant kahapon nang hapon, ipinahayag nito na si Rear Admiral Allan Cusi ang acting superintendent ng PMA kapalit ni Evangelista habang si Brig. General Romeo Brawner, commander ng Task Force Bangon Marawi ang acting commandant ng PMA kapalit ni Bacarro. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *