Donasyon para sa Marawi, ‘di nawaldas — Digong

NILINAW ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nawaldas ang mga perang donasyon para sa rehabilitasyon ng Marawi City.

The post Donasyon para sa Marawi, ‘di nawaldas — Digong appeared first on Abante News Online.

donasyon para sa marawi di nawaldas digong - Donasyon para sa Marawi, ‘di nawaldas — Digong
abante marawi - Donasyon para sa Marawi, ‘di nawaldas — Digong

NILINAW ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nawaldas ang mga perang donasyon para sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang talum­pati sa 25th International Conference on the Future of Asia sa Tokyo Japan Biyernes nang hapon.

Sinabi ni Pangulong Duterte na nagpapatuloy ang construction para sa pagbangon ng Marawi City at huwag mag-alala ang mga dayuhang nagbigay ng donasyon dahil ang pera ng mga ito ay nasa bangko.

Nilinaw ng Presidente na hindi pa nagagalaw ang perang donasyon dahil unang ginamit ang sariling pera ng Pilipinas.

“Construction is ongoing. Do not worry, all the donors of the country –your money is in the bank. The money that Japan and everybody contributed are all accounted for. We have not spent the foreign aid assistance. We spent first our own money,” anang Pangulo.

Nauna rito, inireport ng Commission on Audit (COA) na hindi pa nakakarating sa mga biktima ng Marawi siege ang milyon-milyong pisong donasyon ng ibang bansa. (Aileen Taliping)

The post Donasyon para sa Marawi, ‘di nawaldas — Digong appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *