DOLE umaksyon sa mga inabusong OFW sa Jeddah

Nangako ang Department of Labor and Employment (DOLE) na iimbestigahan ang mga employer, pati na rin ang mga recruitment agency na luminlang sa ilang overseas Filipino na naghahanap ng trabaho habang ang isa ay ginahasa ng kanyang agency representative sa Jeddah, Saudi Arabia.

The post DOLE umaksyon sa mga inabusong OFW sa Jeddah appeared first on Abante News Online.

dole umaksyon sa mga inabusong ofw sa jeddah - DOLE umaksyon sa mga inabusong OFW sa Jeddah
dole - DOLE umaksyon sa mga inabusong OFW sa Jeddah

Nangako ang Department of Labor and Employment (DOLE) na iimbestigahan ang mga employer, pati na rin ang mga recruitment agency na luminlang sa ilang overseas Filipino na naghahanap ng trabaho habang ang isa ay ginahasa ng kanyang agency representative sa Jeddah, Saudi Arabia.

Inatasan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na siyasatin ang naturang ulat na isinumite ng Philippine Overseas Labor Office (POLO), pati na rin ang pagkakasangkot ng ilang recruitment agency.

Sa ipinarating na ulat kay Bello, ang apat na household service worker (HSW) na sina Samra Musa Lidasan, Lyn Silongan Sali, Norhen Gayo Sarat, at Noraima Mamadra Bandara ay sapilitang pinagtatrabaho nang higit sa 10 oras sa iba’t ibang sambahayan, at dagdag na dalawang oras sa bahay ng kanilang amo.

Sila’y lehitimong may hawak ng Iqama, ngunit pinilit na magtrabaho bilang mga tagalinis.

Ang apat ay tumakas mula sa kanilang mga amo at tumakbo sa Migrant Workers and Other Overseas Filipinos Resource Center (MWOFRC) sa Jeddah noong Marso 1, 2019.

Bukod sa naturang ulat sa mga HSW, iniulat din ang isang kaso ng panggagahasa na kinasasangkutan ng 22-anyos na OFW na nakilala lamang bilang ‘Saida’ ng kanyang agency representative noong Disyembre 28, 2018.

Ang mga biktima ay naninirahan sa Bahay Kalinga habang ang kaso ay hinahawakan ng Assistance to Nationals Section ng PCG Jeddah.

Ang parehong mga kaso ay kasangkot ang kanilang Saudi Recruitment Agency (SRA) Madar Al Kharj Recruitment Agency, at Philippine Recruitment Agency (PRA) Iemploy Manpower Services Inc.

Kasabay nito inirekomenda ang pagsuspinde at pagkansela ng mga lisensya sa mga recruitment agency na nabanggit.
Tiniyak din ng kalihim sa mga OFW ang kaukulang tulong mula sa POLO at POEA.

The post DOLE umaksyon sa mga inabusong OFW sa Jeddah appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *