DOLE nagbabala vs trabaho scam sa FB

Pinag-iingat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang publiko laban sa mga pekeng Facebook page na nangangako ng cash o premyo kapalit ng pag-like at share nito gayundin ang pagkakaroon umano ng trabaho.

The post DOLE nagbabala vs trabaho scam sa FB first appeared on Abante.

dole nagbabala vs trabaho scam sa fb - DOLE nagbabala vs trabaho scam sa FB
DOLE - DOLE nagbabala vs trabaho scam sa FB

Pinag-iingat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang publiko laban sa mga pekeng Facebook page na nangangako ng cash o premyo kapalit ng pag-like at share nito gayundin ang pagkakaroon umano ng trabaho.

Sa pahayag ng DOLE nitong Miyerkoles, pinayuhan nito ang publiko na beripikahin muna ang registration ng mga kompanya sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno bago magbigay ng mga impormasyon nila.

Inalerto ng DOLE ang publiko matapos makatanggap ng reklamo na may isang kompanya na nagngangalan umanong `Eternal Investment’ ang naghahanap ng mga tao sa Facebook at binibigyan ng job position na voluntary o commission basis.

Sa pakikipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry (DTI), nalaman na wala ang `Eternal Investment’ sa listahan ng mga rehistradong negosyo.

The post DOLE nagbabala vs trabaho scam sa FB first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *