DOLE ginamit sa job scam

dole

NAGBABALA ang labor department sa mga nagbabalak maghanap ng trabaho lalo na sa ibang bansa dahil sa paglaganap ng mga pekeng social media page at account na nag-aalok ng mga bakanteng trabaho sa lokal at sa ibang bansa.

dole ginamit sa job scam - DOLE ginamit sa job scam
dole1 - DOLE ginamit sa job scam

NAGBABALA ang labor department sa mga nagbabalak maghanap ng trabaho lalo na sa ibang bansa dahil sa paglaganap ng mga pekeng social media page at account na nag-aalok ng mga bakanteng trabaho sa lokal at sa ibang bansa.

Inilabas ang babala kasunod ng ulat na natanggap ng DOLE Information and Publication Service (IPS) mula sa isang jobseeker na nagngangalang ‘Mary’ na inalok ng trabaho ng isang Arthur Villena na umano’y empleyado sa kagawaran ng paggawa.

Sinabi ni Mary na nakuha niya ang mga detalye sa isang Facebook page ng ‘DOLE Job Assistance-Local and Abroad’ at may opisyal na logo ng DOLE, na naka-post ang mga larawan ng mga pagsasanay, at isang larawan ni dating Labor Secretary Rosalinda Baldoz.

Sa pagnanais na makakuha ng trabaho at isang slot, tinawagan ni Maria ang numerong ‘0935-743-0054’ na naka-post sa facebook page at inutusan siya na magpadala ng P1,000 para sa reservation fee sa pamamagitan ng isang mobile money transfer ‘Smart padala’. Matapos ipadala ang bayad, hindi na niya makontak ang nagpakilalang si Arthur na napag-alamang hindi pala empleyado ng DOLE.

Kasabay nito pinayuhan ng labor department ang publiko na maging maingat at kumpirmahin sa mga kinauukulan ang mga website na nakikita na nag-aalok ng mga trabaho upang maiwasang maloko ng mga illegal recruiter, scammer at nangingikil ng pera sa mga aplikante ng trabaho. (Mina Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *