DOJ gigisahin BuCor sa mabagal na pagbili ng gamot

Inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang Bureau of Correction (BuCor) na magpaliwanag kaugnay sa pagkakadiskubre ng Commission on Audit(COA) na may pagkakaantala sa procurement ng mga gamot para sa mga preso.

The post DOJ gigisahin BuCor sa mabagal na pagbili ng gamot first appeared on Abante.

doj gigisahin bucor sa mabagal na pagbili ng gamot - DOJ gigisahin BuCor sa mabagal na pagbili ng gamot
abante bucor 2 - DOJ gigisahin BuCor sa mabagal na pagbili ng gamot

Inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang Bureau of Correction (BuCor) na magpaliwanag kaugnay sa pagkakadiskubre ng Commission on Audit(COA) na may pagkakaantala sa procurement ng mga gamot para sa mga preso.

Hihintayin muna umano niya ang paliwanag ng BuCor pero iginiit niya ang importansiya ng gamot sa siksikan na preso.

“In a congested prison where the risk of getting sick is very high, medicine is next only to food in terms of essentiality. Any delay in its procurement and delivery should immediately be addressed,”ayon kay Guevarra .

Nabatid na pinuna ng COA ang BuCor sa kanilang 2019 report, dahil sa pagkakaantala sa pagbili ng

gamot para sa mga preso ng New Bilibid Prison, Correctional Institution for Women, at Reception and Diagnostic Center.

Nadiskubre ng COA na pitong procurement projects na nagkakahalaga ng P65.5 milyon ay ini-award ng higit sa maximum allowable period na 90 araw.

Mayroon din umanong 14 projects na nagkakahalaga ng P56.5 milyon na may winning bidders pero hindi naman inisyuhan ng notice to proceed sa kabila ng pagkatapos ng 90 araw ng bid execution.

Gayundin, sinabi ng COA na may 7 project na nagkakahalaga ng P63.5 milyon na binigyan ng go signal pero Enero,2020 lamang nai-deliver na nangangahulugan na hindi naibigay sa mga preso ang kailangan nilang gamot noong 2019.

Ayon sa COA report, ipinaliwanag ng BuCor na ang kanilang Bids and Awards Committee ay apektado ng pagsuspinde sa kanilang chairman at ang re-assignment sa ibang penal colony ng iba nitong miyembro bukod pa sa nangyaring GCTA fiasco. (Juliet de Loza-Cudia)

The post DOJ gigisahin BuCor sa mabagal na pagbili ng gamot first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *