DOJ binuo ang prosecutor panel ng ‘ninja cops’

Pormal nang bumuo si Justice Secretary Menardo Guevarra ng panel of prosecutors na binubuo ng tatlong miyembro na siyang mangangasiwa sa muling pag-iimbestiga sa tinaguriang mga “ninja cop.”

doj binuo ang prosecutor panel ng ninja cops - DOJ binuo ang prosecutor panel ng ‘ninja cops’
guvarra - DOJ binuo ang prosecutor panel ng ‘ninja cops’

Pormal nang bumuo si Justice Secretary Menardo Guevarra ng panel of prosecutors na binubuo ng tatlong miyembro na siyang mangangasiwa sa muling pag-iimbestiga sa tinaguriang mga “ninja cop.”

Ang naturang panel ay binigyan ni Guevarra nang tatlumpung araw para kumpletuhin ang kanilang imbestigasyon sa reklamong inihain ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group.

Partikular ang preliminary investigation sa kaso ni Police Major Rodney Baloyo at mga tauhan nito na sangkot sa kontrobersiyal na drug raid sa Pampanga noong 2013.

Ito ay makaraang lumutang sa Senate hearing ang mga bagong ebidensya kaugnay sa tinaguriang mga ninja cop, kung saan 200 kilo ang nakumpiskang shabu subalit 38 kilo lamang umano ang idineklara ng grupo ni Baloyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *