DOH walang imbakan ng 20M COVID bakuna

Iminungkahi ni Senador Francis Tolentino na gawing storage ng mga bakuna sa COVID-19 ang mga pasilidad ng ice cream manufacturer sa bansa.

The post DOH walang imbakan ng 20M COVID bakuna first appeared on Abante.

doh walang imbakan ng 20m covid bakuna - DOH walang imbakan ng 20M COVID bakuna
abante doh 7 - DOH walang imbakan ng 20M COVID bakuna

Iminungkahi ni Senador Francis Tolentino na gawing storage ng mga bakuna sa COVID-19 ang mga pasilidad ng ice cream manufacturer sa bansa.

Ito ang rekomendasyon ni Tolentino kay Health Secretary Francisco Duque matapos sabihing salat ang ahensya sa pondo para sa pag-iimbakan ng mga bakuna na kailangang malagay sa malamig na temperatura.

“Why won’t you—at this earlier stage—touch base with Magnolia ice cream, Selecta ice cream and all other ice cream manufacturers to utilize their ice cream storage facilities,” suhestiyon ni Tolentino kay Duque sa virtual session.

“Kasi dadagsa po ‘yung ero-eroplanong bakuna, na walang paglalagyan at masisira lamang kasi wala po tayong -80 degrees, hindi po ito yung pang-restaurant (na freezer),” aniya pa.

Sinabi ni Health Undersecretary Carol Taiño na hindi kasama sa 2021 budget ng DOH ang alokasyon para sa warehouse ng COVID-19 vaccine.

Aniya, ang kanilang sasandigan sa pag-imbak ng mga bakuna ay ang vaccine storage facility ng Research Institute for Tropical Medicine.(RP)

The post DOH walang imbakan ng 20M COVID bakuna first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *