DOH tinabla travel ban vs bansang may bagong COVID

Inirekomenda ng Department of Health (DOH) na isailalim sa 14 araw na quarantine ang mga manggagaling sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng bagong bersyon ng COVID-19.

The post DOH tinabla travel ban vs bansang may bagong COVID first appeared on Abante.

doh tinabla travel ban vs bansang may bagong covid - DOH tinabla travel ban vs bansang may bagong COVID
abante flight - DOH tinabla travel ban vs bansang may bagong COVID

Inirekomenda ng Department of Health (DOH) na isailalim sa 14 araw na quarantine ang mga manggagaling sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng bagong bersyon ng COVID-19.

“Ito po ang aming rekomendasyon. Habang nadaragdagan ang mga bansang nag-uulat ng detection ng UK (United Kingdom) new variant, nirerekomenda po ng DOH kasama ng mga eksperto ng Technical Advisory Group ng ating IATF at ng World Health Organization na sa mga manggagaling sa mga bansang may kumpirmadong new variant, gawing mandatory ang pagtapos ng 14-day quarantine period sa New Clark City,” pahayag ni Duque nitong Sabado.

Maliban doon, sinabi rin ni Duque kay Pangulong Rodrigo Duterte na dapat lamang isaalang-alang ng gobyerno ang pagpapataw ng travel ban kung mayroon nang community transmission ng bagong variant ng virus sa United Kingdom.

“Ikunsidera lamang ang travel ban, Mr. President kung nasa lebel na ng community transmission ang new variant sa naturang bansa (UK),” ani Duque.

Magugunitang simula Disyembre 24 hanggang Disyembre 31 ay suspendido na ang mga flight mula sa United Kingdom patungong Pilipinas pero pinalawig ito ng dalawang linggo pa ni Duterte. (IS)

The post DOH tinabla travel ban vs bansang may bagong COVID first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *