DOH sa mga biyahero: Magpabakuna kontra polio

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang lahat ng travelers na magpabakuna laban sa polio bago pumasok o lumabas ng Pilipinas.

doh sa mga biyahero magpabakuna kontra polio - DOH sa mga biyahero: Magpabakuna kontra polio
poli vaccine - DOH sa mga biyahero: Magpabakuna kontra polio

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang lahat ng travelers na magpabakuna laban sa polio bago pumasok o lumabas ng Pilipinas.

Ani Health Undersecretary Rolando Domingo, lahat ng mga biyahero na hindi pa nababakunahan kontra polio sa nakalipas na 12 na buwan ay dapat maturukan ng single dose ng inactivated poliovirus (IPV), isang buwan bago pumasok ng bansa at planong mag-stay ng apat na linggo.

Pinayuhan din niya ang mga may “urgent need to travel” na magpaturok kahit isang IPV shot.

“Filipinos are not restricted from travelling to other countries at this time. But before they leave, we strongly advise them, most especially our overseas Filipino workers to check if the country that they will be travelling to requires a vaccination certificate,” aniya.

Magugunitang idineklara ng DOH kamakailan ang type 2 polio outbreak sa bansa matapos makapagtala ng dalawang kaso nito. (IS)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *