DOH nagsasayang ng gamot – Recto

May ‘48 billion reasons’ umano kung bakit kailangan bakunahan ang Department of Health (DOH) laban sa pagsasayang ng gamot, ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

The post DOH nagsasayang ng gamot – Recto first appeared on Abante.

doh nagsasayang ng gamot recto - DOH nagsasayang ng gamot – Recto
abante recto - DOH nagsasayang ng gamot – Recto

May ‘48 billion reasons’ umano kung bakit kailangan bakunahan ang Department of Health (DOH) laban sa pagsasayang ng gamot, ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

Batay aniya sa 2019 Commission on Audit (COA) report, mahigit P2.2 bilyon halaga ng expired at ma-e-expire nang gamot na nakatambak sa mga stockroom ng DOH

“The expired drugs include those for oral health. With 9 in 10 Filipinos suffering from tooth decay and only 1 in 10 able to afford to see a dentist once a year, this news is as painful as a root canal,” ayon kay Recto.

Dahil dito, iminungkahi ng senador na magkaroon ng espesyal na probisyon sa DOH budget para sa 2021 na maglalatag ng guideline kung saan ang mga nabiling gamot ay dapat mapunta sa mga pasyente.

“If the lack of supply chain specialists is the culprit for rotting medications, then they should be recruited using the 14,553 vacancies in the DOH,” sabi ni Recto.

“The DOH is also asking for P486 million for “Procurement and Supply Chain Management Service” for 2021. We should demand a bill of particulars for this,” saad pa nito.

Dahil sa hinalang may nakakapuslit ng gamot sa mga bodega, inirekomenda ng COA na magkabit ng CCTV camera at mga warehouse at stockroom ng DOH.

“We have almost 48 billion reasons to be worried—the P28.64 billion proposed DOH budget for drug procurement for 2021, and the P19.09 billion approved pre-pandemic budget for this year,” sambit pa nito. (Dindo Matining)

The post DOH nagsasayang ng gamot – Recto first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *