DOH nag-house-to-house sa CAR vs dengue

dengue

NAGSIMULA na ang Department of Health-Cordillera Administrative Region (DOH-CAR) sa ‘house-to-house’ na kampanya upang magbigay ng impormasyon sa mga barangay kung paano labanan ang pagkalat ng dengue virus.

The post DOH nag-house-to-house sa CAR vs dengue appeared first on Abante News Online.

doh nag house to house sa car vs dengue - DOH nag-house-to-house sa CAR vs dengue
dengue1 - DOH nag-house-to-house sa CAR vs dengue
 
 
NAGSIMULA na ang Department of Health-Cordillera Administrative Region (DOH-CAR) sa ‘house-to-house’ na kampanya upang magbigay ng impormasyon sa mga barangay kung paano labanan ang pagkalat ng dengue virus.
 
“We are focusing on areas where there is a clustering of cases to be able to inform the residents and make them aware what they need to do and to prevent more cases,” ani DOH-CAR regional director Dr. Amelita Pangilinan.
 
Ayon kay Pangilinan, gagamit sila ng lahat ng klaseng komunikasyon pati na ang social media para sa mapalaganap ang impormasyon sa pagwasak ng kinaroroonan ng mga nangingitlog na mga lamok at kung ano ang gagawin kung sakaling mayroong lagnat sanhi ng dengue.
 
“Our personnel is going down to the household level to inform the residents,” ayon sa kalihim.
 
Dagdag pa ni Pangilinan, makikipang-ugnayan sila sa DOH personnel gaya ng mga nurse at midwive para gawin ang house-to-house para sa nasabing aktibidad sa mga lugar na kung saan nakumpol ang kaso ng dengue.
 
“Most of the municipalities, especially in Abra, that is why there is a high incidence of dengue is because there is no health personnel focused on the anti-dengue program,” ani Pangilinan.
 
Base sa datos ng DOH-CAR, nagkaroon ng apat na porsiyento pagtaas ng kasong sa dengue sa CAR.
 
Dagdag ni Pangilinan, mula January 1 hanggang July 26, ang CAR  ay nakapagtala ng 3,469 na kaso ng dengue kumpara noong isang taon sa parehong buwan na umabot ng 3,224.
 
“We don’t want to wait for us to have an outbreak, we want to prevent it as early as now,” saad ng opisyal. (Allan Bergonia)

The post DOH nag-house-to-house sa CAR vs dengue appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *