DOH hirap sa contact tracing sa mga pasahero ng Emirates

Ibinunyag ni Health Undersecretary Maria Rosario -Vergeire na niri-reject ng mga pasahero na nakasabay ng negosyanteng nagpositibo sa UK variant ang mga tawag ng Department of Health (DOH) para sa contact tracing.

The post DOH hirap sa contact tracing sa mga pasahero ng Emirates first appeared on Abante.

doh hirap sa contact tracing sa mga pasahero ng emirates - DOH hirap sa contact tracing sa mga pasahero ng Emirates
abante doh 1 1 - DOH hirap sa contact tracing sa mga pasahero ng Emirates

Ibinunyag ni Health Undersecretary Maria Rosario -Vergeire na niri-reject ng mga pasahero na nakasabay ng negosyanteng nagpositibo sa UK variant ang mga tawag ng Department of Health (DOH) para sa contact tracing.

“Some passengers are rejecting our call. Sana po ay kausapin nila kami para…mabigyan namin sila ng guidelines on what they should do,” ayon kay Vergeire.

Kasabay nito ay nanawagan si Vergeire sa mga pasahero na makipag-ugnayan sa mga awroridad.

“Nakipag-coordinate din kami sa local governments so pupuntahan din po kasi we have their addresses,”ayon kay Vergeire.

Gayundin ay nasa isolation facility na ang 29 anyos na lalaki na taga Kamuning,Quezon City.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III nagtungo sa Dubai ang biktima para sa isang business trip noong Disyembre 27 at bumalik sa Pilipinas noong Enero 7 sakay ng Emirates Flight No. EK 332.

Kaagad siyang sumailalim sa swab test at na- quarantine sa isang hotel at dito nadiskubre na positibo sa UK variant sa genome sequencing. (Juliet de Loza-Cudia)

The post DOH hirap sa contact tracing sa mga pasahero ng Emirates first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *