DOF, BSP magsasanib para matanggal ang bank secrecy law

Magtutulungan ang Department of Finance (DOF) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para kumbinsihin ang mga mambabatas na tanggalin na ang bank secrecy law para sa mga kakagatin ang tax amnesty.

dof bsp magsasanib para matanggal ang bank secrecy law - DOF, BSP magsasanib para matanggal ang bank secrecy law
DOF X BSP - DOF, BSP magsasanib para matanggal ang bank secrecy law

Magtutulungan ang Department of Finance (DOF) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para kumbinsihin ang mga mambabatas na tanggalin na ang bank secrecy law para sa mga kakagatin ang tax amnesty.

Ayon sa DOF nitong Miyerkoles, nagpasabi na si BSP Governor Benjamin Diokno na gustong tumulong sa pakikipag-usap sa Kongreso para tanggalin ang bank secrecy law.

“Make sure that the general amnesty and the lifting of the bank secrecy — it has to be together,” utos ni Finance Sec. Carlos Dominguez III kay Finance Undersecretary Gil Beltran.

Sa ngayon, tanging ang Pilipinas at Lebanon lamang ang mga bansa sa mundo ang nagpapatupad ng mahigpit na bank secrecy law.

Marami nang naisulong na pagbabago sa buwis ang administrasyong Duterte.

Bukod sa TRAIN, napasa din ang tinatawag nitong package 1B ng comprehensive tax reform program kung saan kasama ang general tax amnesty at ang pagtatanggal sa ank secrecy at pagpapalitan ng impormasyon ng mga regulatory agencies tulad ng BSP at iba pa.

Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Tax Amnesty Act ngunit tinanggal niya ang pagbibigay ng amnestiya sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis dahil hindi rito kasama ang pagtanggal ng bank secrecy.

Kung hindi matatanggal ang bank secrecy, lalaki ang mawawalang kita sa pamahalaan at dadami ang hindi magbabayad ng buwis. (Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *