DOE tumugang may mali sa ‘bidding’

Inamin ng Department of Energy (DOE), sa pamamagitan ng budget sponsor nito sa kakatapos lang ng House plenary debate sa proposed P4.1 trillion national budget para sa susunod na taon, ang maaaring ‘costly faults’ sa 2018 department circular (DC) na sakop ang ‘bidding’ para sa mga power contract.

doe tumugang may mali sa bidding - DOE tumugang may mali sa ‘bidding’
DOE - DOE tumugang may mali sa ‘bidding’

Inamin ng Department of Energy (DOE), sa pamamagitan ng budget sponsor nito sa kakatapos lang ng House plenary debate sa proposed P4.1 trillion national budget para sa susunod na taon, ang maaaring ‘costly faults’ sa 2018 department circular (DC) na sakop ang ‘bidding’ para sa mga power contract.

Walang nagawa si DOE budget sponsor, appropriations committee vice chairman at Zamboanga City 2nd district Rep. Manuel Jose Dalipe kung hindi ang sumang-ayon sa mga obserbasyon ng interpellator na si Bayan Muna Party-List Rep. Carlos Zarate sa kung paanong anti-consumer ang DC.

“Ang mangyayari ho niyan, ‘yung ginawang desisyon ng Korte Suprema mandating a CSP ay mawawalan ng saysay. At the end of the day, ang matatalo po dito ay mga consumers. Do you agree Mr. Sponsor?” tanong ni Zarate kay Dalipe sa plenary floor.

“Yes Mr. Speaker. Actually the DOE is reviewing that circular because as manifested by the ho­norable gentleman, it appears that way,” agad na sagot ni Dalipe.

Ang tinutukoy ni Zarate, senior deputy minority leader, ay ang DC 2018-02-003 kung saan anuman ang layunin at hangarin ay nabago ang mga panuntunan para sa bidding o CSP para sa mga proposed power supply agreement na inilatag ng DC 2015-06-008 maaga ng tatlong taon.

Ang 2015 circular ay kinakailangan ng third party na kinikilala ng DOE at Energy Regulatory Commission upang pangasiwaan ang bidding at masiguro ang proseso at mga ‘terms of refe­­rence’­ nito. Gayunpaman, pina­yagan ng 2018 circular ang mga DU na pumili ng mga miyembro ng five-man third party bids and awards committee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *