DOE pinabubuo ng vehicle roadmap

Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Energy (DOE) para bumuo ng isang roadmap na pinaniniwalaang mag-aangat sa electric vehicle adoption sa bansa.

The post DOE pinabubuo ng vehicle roadmap appeared first on Abante News Online.

doe pinabubuo ng vehicle roadmap - DOE pinabubuo ng vehicle roadmap
e jeep 2 - DOE pinabubuo ng vehicle roadmap

Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Energy (DOE) para bumuo ng isang roadmap na pinaniniwalaang mag-aangat sa electric vehicle adoption sa bansa.

Ito ang panawagan ng senador matapos matuklasan ni Gatchalian sa isinagawang pagdinig sa Senado hinggil sa Se­nate Bill No. 2137 o Electric Vehicles and Charging Stations Act, na kakaunting polisiya pa lamang ang nabubuo ng ahensya na dapat sanang mapakinabangan ng e-vehicles.

Ayon kay Gatchalian, chair ng Senate committee on energy, importante ang pagkakaroon ng sound policy at regulatory framework sa mga e-vehicle dahil ito aniya ang magiging daan para tuluyan nang matanggap ang paggamit ng ganitong uri ng sasak­yan sa Pilipinas.
“The advantages of e-vehicles…should be quantifiable, or else, it’s very difficult to convince people that this is actually beneficial,” sabi ni Gat­chalian.

Layon ng Senate Bill No. 2137 na matugunan ang mga pagsubok na bumabalot sa pagpapabuti ng electric vehicle industry sa pamamagitan ng electric vehicle roadmap at distribution utilities ng DOE.

The post DOE pinabubuo ng vehicle roadmap appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *