DOE nakiisa na sa green group sa ‘di paggamit ng karbon

Nagpahayag kahapon ng suporta ang Po­wer for People Coalition (P4P) sa Department of Energy (DOE) sa panawagan sa Meralco na baguhin ang regulasyon at bigyan ng kakayahang umangkop ang power suppliers bidding sa pangangailangan ng e­nerhiya, kasabay ng pagtutulak na isama ang mga renewable energy source sa energy mix ng power distributor.

doe nakiisa na sa green group sa di paggamit ng karbon - DOE nakiisa na sa green group sa ‘di paggamit ng karbon
doe 2 - DOE nakiisa na sa green group sa ‘di paggamit ng karbon

Nagpahayag kahapon ng suporta ang Po­wer for People Coalition (P4P) sa Department of Energy (DOE) sa panawagan sa Meralco na baguhin ang regulasyon at bigyan ng kakayahang umangkop ang power suppliers bidding sa pangangailangan ng e­nerhiya, kasabay ng pagtutulak na isama ang mga renewable energy source sa energy mix ng power distributor.

Hiniling ng Meralco na mag-bid para sa 1,200 megawatts ng suplay subalit tinukoy na ang elektrisidad ay kailangang nangga­ling mula sa kontrobersyal na ‘high efficiency, low emissions’ (HELE) technology, na sinasabing nakababawas ng mga emission na hindi maglalabas ng ‘total pollution’ na sanhi ng paggamit ng coal o karbon.

“We welcome the announcement of Secretary Alfonso Cusi calling on Meralco to change its terms of reference for its competitive selection process (CSP). However, we are not happy that the changes he asks for will just allow more coal-fired power plants to participate, instead of taking the opportunity to obey President Duterte’s directive to have more renewable sources available to Filipinos,” ayon kay P4P Convenor Gerry Arances.

Sa ilalim ng mga term, nais ng Meralco na ang mga generation company ang mag-bid para sa kabuuang supply requirement gamit ang mga planta na may HELE, habang si Cusi naman ay nais na ang anumang planta na makapagbebenta lamang ng parte ng kapa­sidad upang maipagbili ang kanilang mga labis o surplus sa open market.

Magugunitang ang mga green energy group, na pinangungunahan ng P4P, ay masigasig sa kanilang puspusang pangangampanya laban sa pagggamit ng karbon, kabilang ang teknolohiyang clean coal na requirement ng Meralco para sa kanilang pinakahu­ling alok sa bid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *