Dobleng intel fund ni Duterte binusisi sa Kamara

Kinuwestiyon ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang doble- doble umanong confidential at intelligence funds ng Office of the President (OP) na nakapaloob sa proposed budget para susunod na taon.

The post Dobleng intel fund ni Duterte binusisi sa Kamara first appeared on Abante.

dobleng intel fund ni duterte binusisi sa kamara - Dobleng intel fund ni Duterte binusisi sa Kamara
abante duterte 1 - Dobleng intel fund ni Duterte binusisi sa Kamara

Kinuwestiyon ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang doble- doble umanong confidential at intelligence funds ng Office of the President (OP) na nakapaloob sa proposed budget para susunod na taon.

Sa deliberasyon ng House committee on appropriations sa P8.23 bilyon proposed budget ng OP sa 2021 budget, pinuna ni Zarate kung bakit ang OP na hindi naman isang intelligence agency ang may pinakamalaki pa rin intel funds.

Sa kabuuang budget ng OP, mahigit kalahati ang inilaan para sa confidential at inteligence funds sa 2021.

“If OP has billions of pesos in intelligence funds, hindi ba napaka-useless… bakit meron pa tayong NICA (National Intelligence Coordinating Agency) with 800 employees? Hindi ba parang unnecessary ito?” giit ni Zarate.

Dumipensa naman si Senior Deputy Executive Sec Michael Ong sa pagsasabing , “Di naman po nagdodoble, Mr Chair. Kino-consider, Mr Chair, yung nagagawa at ginagawa ng NICA at ng ibang ahensiya sa sarili pong intelligence efforts led by the President.”

Dagdag pa ni Zarate, “sa panahon ng ganitong krisis, matinding krisis na pinalala nitong pandemya ng COVID, nagkakautang-utang tayo, parang nagkaka-duplication, pag-triple-triple ng paglalagay ng confidential funds.”

Maging si Kabataan Rep Sarah Elago ay pumalag rin sa confidential and intelligence funds ng OP.

Ayon kay Elago, ngayon nahaharap sa pandemia ang bansa ay dapat hindi na humingi ng malaking Intel funds ang OP sa halip dapat gamitin na lamang ang pondo sa PPEs, testing kits, pagpapalawak ng capacity ng ating health system.

Ngunit depensa ni Deputy Executive Sec. Alberto Bernardo dahil napatunayan umano na kahit may COVID-19 marami pa ring nagsasamantala na mga terorista para pabagsakin ang gobyerno. (Eralyn Prado)

The post Dobleng intel fund ni Duterte binusisi sa Kamara first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *