DND nganga sa missile test ng China sa Spratlys

BOL plebiscite - Delfin Lorenzana

BLANGKO pa umano ang militar ukol sa ulat ng missile launch ng China sa West Philippine Sea.

The post DND nganga sa missile test ng China sa Spratlys appeared first on Abante News Online.

dnd nganga sa missile test ng china sa spratlys - DND nganga sa missile test ng China sa Spratlys
ABANTE BOL plebiscite Delfin Lorenzana - DND nganga sa missile test ng China sa Spratlys

BLANGKO pa umano ang militar ukol sa ulat ng missile launch ng China sa West Philippine Sea.

Inamin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi pa nakakarating sa Department of National Defense (DND) ang ulat na ito ng media.

Dahil dito, magsasagawa sila ng imbestigasyon para makapagdesisyon ng kanilang susunod na hakbang.

Walang “first-hand knowledge” ang DND sa anti-ship ballistic missile testing na ginagawa ng China sa West Philippine Sea,” pahayag ni Lorenzana.

“We will conduct our own inquiry and will decide later what to do if proven correct,”dagdag nito.

Nabatid na una nang tinawag ng Pentagon kamakalawa na naka­kabahala ang missile launch ng China at taliwas sa pahayag nito na iiwasan nila ang militarisasyon sa naturang karagatan.

Ayon pa kay Pentagon spokesman Lieutenant Colonel Dave Eastburn, malapit lang sa Spratlys ang missile test ng China at ma­laki ang posibilidad na makatakot sa mga kalapit bansa.

Wala pa namang pahayag ang Armed Force­s of the Philippines (AFP) hinggil dito.

Matatandaan na bago ang missile test, umiiral ngayon ang trade war sa pagitan ng China at US. (Edwin Balasa)

The post DND nganga sa missile test ng China sa Spratlys appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *