DMCI – Consunji nagpalusot sa gumuhong condo

BINABALAK ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na sampahan ng kaso ang developer ng Ecoland 4000 condominium na gumuho matapos ang naganap na 6.5 magnitude na lindol sa Min­danao noong Huwebes nang umaga.

dmci consunji nagpalusot sa gumuhong condo - DMCI – Consunji nagpalusot sa gumuhong condo
ABANTE Ecoland 4000 condominium - DMCI – Consunji nagpalusot sa gumuhong condo

BINABALAK ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na sampahan ng kaso ang developer ng Ecoland 4000 condominium na gumuho matapos ang naganap na 6.5 magnitude na lindol sa Min­danao noong Huwebes nang umaga.

Kinilala ni Mayor Sara ang developer ng Eco­land 4000 Residences, ang DMC Urban Property Developers Inc. na sinasabing affiliate company ng DMCI na pag-aari ng mga Consunji.

“Ni-refer na po namin sa Office of the City Legal kung meron pong possible legal action ang city government against dun sa building administrator and against dun sa owner ng condominium,” ayon sa alkalde.

Ayon kay Mayor Sara, tatlong beses na nag-isyu ng notice ang City Engineer’s Office (CEO) sa Eco­land 4000 na nagrerekomemda na ‘condemned’ na ang gusali dahil sa nakitang mga crack matapos ang magnitude 6.6 noong Oktubre 29.

Personal umano siyang nakipag-ugnayan sa building administrator ng Ecoland 4000 at inutos niya na ipatupad ang forced evacuation matapos ang condemnation notice na inisyu.

“They said all units owners were notified on the condemnation after we already send them three notices of the problem of their building,” sabi pa ng alkalde.

Dapat umanong mapanagot ang building admi­nistrator na nagbalewala sa nasabing notice.

Nabatid na sa halip na iutos ang evacuation sa mga tenant ng condo ay sinabi pa umano ng mga structural engineer ng Ecoland na ligtas at ‘livable’ ito sa kabila ng mga crack o bitak sa gusali.

Nabatid na ang bahagi ng Ecoland 4000 ay bumigay matapos ang 6.5 magnitude na lindol noong Oktubre 31 matapos na unang yanigin noong Oktubre 29.

Hinimok din nito ang mga biktimang occupant na komunsulta sa kanilang mga abogado para sa karampatang aksyon laban sa developer ng condo.

Nabatid na siyam na katao ang nasaktan matapos na mag-collapse ang isang bahagi ng condo.

Ayon sa Central 911, wala umanong umookupa sa third, fourth, at fifth floor ng limang palapag na condominium.

Samantala, itinanggi naman ng DMCI Homes, ang housing component ng DMCI Holdings Inc. na may kinalaman sila sa konstruksiyon ng nag-collapse na Ecoland 4000.

“We would like to inform everyone that Ecoland 4000 is not a project of DMCI Project Developers Inc. (DMCI Homes),” ayon sa pahayag ng DMCI Homes.

“The company was not involved in the development, design and construction of the said project,” dagdag pa ng DMCI Homes.

Nabatid na sa lokal na ulat, ang Ecoland 4000 ay pag-aari ng DMC Urban Property Developers Inc. (DMC-UPDI), isang real estate development company.
Gayunman, maraming netizen ang nagbunyag na ang DMC-UPDI ay nag-oopisina rin sa DMCI sa may Chino Roces Avenue sa Makati City.

Bukod pa sa paglilinaw ng DMCI Homes na ang Verdon Parc lamang ang tanging proyekto nila sa Davao pero nakabilang rin sa mga proyekto ng DMC-UPDI .

Lumabas din sa isang artikulo sa Business World na ang DMCI Urban Property Developers Inc. ang kauna-unahang nagtayo ng mid-rise condo sa Davao at ito ay ang Ecoland 4000 project. Lumabas din sa isang artikulo na may petsang Mayo 32, 2017 na plano ng DMCI Homes na magtayo ng pangalawang project sa Maa area.

May kumondena rin sa structural engineer na nagbigay ng sertipikasyon sa Ecoland 4000 na ligtas itong tirahan.

“Is this an example of how Davao City is implementing its building code? During whose time was the building permit for Ecoland 4000 approved & issued?” reaksyon pa sa Twitter.

“Lol ka funny sa structural engineer na nag issue ug cert gahapon lang ug nag check sa area na ang ecoland 4000 kay livable and can withstand 7.2 magnitude. And cracks are NORMAL ra daw, it is the aesthetics not the structural daw. Lol. Asa ang 7.2 ninyo.” (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *