DMCI condo sa QC pahinto dahil istorbo

Inutos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagtigil sa ginagawang 40 palapag na condominium ng DMCI Homes sa Project 4 matapos umanong makatanggap ng reklamo ang alkalde hinggil sa ingay na nililikha ng konstruksyon kahit pa sa gabi.

The post DMCI condo sa QC pahinto dahil istorbo first appeared on Abante.

dmci condo sa qc pahinto dahil istorbo - DMCI condo sa QC pahinto dahil istorbo
abante dmci - DMCI condo sa QC pahinto dahil istorbo

Inutos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagtigil sa ginagawang 40 palapag na condominium ng DMCI Homes sa Project 4 matapos umanong makatanggap ng reklamo ang alkalde hinggil sa ingay na nililikha ng konstruksyon kahit pa sa gabi.

Ayon sa ilang residente sa Brgy. Marilag, nagsisimula ang ingay tuwing alas-siyete ng umaga at mtatapos hanggang alas-10:00 ng gabi nang araw-araw at nakaaapekto na sa kanilang pamumuhay lalo pa’t marami sa kanila ay may online class at naka-work from home.

Nagbabala naman ang alkalde sa DMCI hinggil sa pag-iingay sa gabi, kasabay ng bantang tuluyang pagpapatigil sa konstruksyon kung hindi papansinin ang kanilang panawagan.

Ang nasabing kompanya ay pag-aari ng Consunji Group, ang parehong developer ng Torre de Manila na umani ng kritisimo dahil sa pagiging photobomber sa monumento ni Rizal. Kinondena rin ang DMCI kaugnay sa polusyon na nililikha uano ng kanilang coal power plant project sa Antique at Palawan.

The post DMCI condo sa QC pahinto dahil istorbo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *