Dizon palpak! Build program bawasan — Angara

HINDI umano ‘failure’ ang ‘Build, Build, Build’ program ng administrasyon, ayon kay Senador Sonny Angara subalit may ilan umano sa orihinal na proyekto ang dapat nang alisin.

dizon palpak build program bawasan angara - Dizon palpak! Build program bawasan — Angara
sonny 3 - Dizon palpak! Build program bawasan — Angara

HINDI umano ‘failure’ ang ‘Build, Build, Build’ program ng administrasyon, ayon kay Senador Sonny Angara subalit may ilan umano sa orihinal na proyekto ang dapat nang alisin.

Ginawa ni Angara, chairman ng Senate finance committee, ang pahayag bilang tugon sa naunang sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na bigo ang infrastructure program ng pamahalaan dahil siyam sa 79 flaship program pa lang ang nasisimulan.

“Kung ang tanong sa akin ay kung failure ba ang Build, Build, Build, definitely not, because sa dami ng proyekto at lumalaki ang gastos na napupunta sa imprastraktura, sa akin hindi failure yun,” pahayag ni Angara sa panayam ng DZBB.

“Maaaring yung flagship projects na originally 75, hindi masyadong well-thought out at naipili nang maigi kaya nakikita natin doon sa 75, I think 28 doon ay tinanggal na sa listahan at ni-replace ng mga more doable and fundable na projects,” dagdag pa nito.

Paliwanag ni Angara, libo-libo umano ang mga proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build program at hindi lang 75 flagship project.

“Yung bilang ng mga projects na inilatag nu’ng umpisa po ng adminis­trasyon na kumbaga, ‘yun ‘yung mukha ng Build, Build, Build. Pero dahil medyo ambitious ‘yung ibang proyekto, hindi naitutuloy,” ani Angara.

Dahil sa pasaring ni Drilon, todo-paliwanag si Bases Conversion and Development Authority (BCDA) presi­dent at CEO Vince Dizon.

Inamin ni Dizon na nagkulang ang gobyerno pero hindi ito nanga­ngahulugan na palpak ang Build program.

Kamakailan lamang ay binago ng gobyerno ang listahan ng Build, Build, Build project. May inisyal na 75 infra project subalit ilan dito ay tinanggal dahil sa isyu ng ‘feasibility’.

Naniniwala si Angara na dapat nang tanggalin ang mga proyektong hindi nakasama sa inisyal na listahan para sa konstruksiyon dahil kaila­ngan pa itong pag-aralang mabuti. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *