Diyalogo ni Duterte, mga guro sa dagdag sahod ikakasa

HINAHANAPAN na ng Malacañang ng pagkakataon ang posibilidad na magkaroon ng diyalogo sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at mga pampublikong guro.

The post Diyalogo ni Duterte, mga guro sa dagdag sahod ikakasa appeared first on Abante News Online.

diyalogo ni duterte mga guro sa dagdag sahod ikakasa - Diyalogo ni Duterte, mga guro sa dagdag sahod ikakasa
abante duterte 2 - Diyalogo ni Duterte, mga guro sa dagdag sahod ikakasa

HINAHANAPAN na ng Malacañang ng pagkakataon ang posibilidad na magkaroon ng diyalogo sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at mga pampublikong guro.

Sa harap ito ng panawagan ng mga public school teacher na dagdagan ang kanilang sahod tulad ng ginawa ng Pa­ngulo sa mga sundalo at pulis.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo na kakausapin niya ang Pangulo para mahanapan ng schedule ang dayalogo sa mga guro.

“We will arrange for that. I will talk to the President about that,” ani Panelo.

Matatandaang noong buwan ng Enero ay inihayag ni Pangulong Duterte na kakausapin niya ang mga guro para matalakay ang posibleng sala­ry hike na hinihiling ng mga ito.

Gayunman, hindi pa ito nagkakaroon ng katuparan dahil sa pagiging abala sa iba pang mahahalagang isyung may kinalaman sa kanyang pagpapatakbo sa gobyerno.

Pero sinabi ng kalihim na inatasan na ng Presidente ang kanyang mga economic ma­nager para hanapan ng pondo ang para sa dagdag sahod ng mga guro. (Aileen Taliping)

The post Diyalogo ni Duterte, mga guro sa dagdag sahod ikakasa appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *