Dismissal order inarbor ni Albayalde – PDEA chief

HINILING umano ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde noong siya ay hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), kay dating Region 3 Director Aaron Aquino na huwag ipatupad ang dismissal order sa 13 pulis na dating mga tauhan nito na sangkot diumano sa pag-recycle ng iligal na droga na nakumpiska nila sa isang drug operation sa Pampanga noong 2013.

dismissal order inarbor ni albayalde pdea chief - Dismissal order inarbor ni Albayalde – PDEA chief
albayalde 5 - Dismissal order inarbor ni Albayalde – PDEA chief

HINILING umano ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde noong siya ay hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), kay dating Region 3 Director Aaron Aquino na huwag ipatupad ang dismissal order sa 13 pulis na dating mga tauhan nito na sangkot diumano sa pag-recycle ng iligal na droga na nakumpiska nila sa isang drug operation sa Pampanga noong 2013.

Ito ang ibinunyag kahapon ni dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa pagdinig sa Senado na kinatigan naman ni Aquino, na ngayo’y hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

“Sinabi niya (Aquino) kay Presidente na tinawagan siya ni Gene­ral Albayalde, at sinabi sa kanya, huwag mo implement ‘yung [dismissal] order,” sabi ni Magalong patungkol sa nangyaring pagpupulong niya kay Pangulong Rodrigo Duterte, Senador Bong Go at Aquino.

Ang 13 pulis ay naunang nirekomendang i-dismiss sa serbisyo noong 2014 dahil sa grave misconduct kaugnay ng kuwestiyonableng drug buy-bust operation noong 2013 subalit na-demote lang noong 2017.

Si Albayalde ang acting police director ng Pampanga noong mangyari ang drug bust operation sa Lakeshore sa Mexico, Pampanga noong 2013.

“Sabi niya (Aquino), bakit hindi ko i-implement? [Sabi ni Alba­yalde], kasi mga tao ko ‘yan. Kaya ang ginawa ni Aaron Aquino, tinapon niya sa Mindanao para mayroong aksyon siya na ginawa,” lahad ni Magalong.
Alanganin pang sumagot si Aquino sa pagbunyag tungkol sa pakikialam umano ni Albayalde subalit napilitan din ito.

Inamin ni Aquino na tumawag sa kanya noong 2016 si Albayalde na noo’y NCRPO chief at tinanong ang estado ng dismissal order sa 13 pulis-Pampanga.
“Nagtatanong siya ng status of the case nina (Supt. Raymond) Baloyo and I told him na gusto kong i-review muna ‘yung kaso na ‘yun nu’ng time na ‘yun,” sabi ni Aquino.

“Sinabi niya sa akin na ‘Sir, for the meantime, baka puwedeng ipa-review n’yo muna ‘yan at ipa-check kasi gusto kong malaman kung ano talaga ang magiging result ng investigation na ‘yan.’ Sabi ko bakit mo tinatanong, ‘Kasi, sir mga tao ko ‘yan,’” dagdag pa nito.

Inamin naman ni Albayalde na tumawag siya subalit iginiit nitong gusto lang niyang malaman ang estado ng kaso at wala umano siyang intensiyong impluwensiyahan si Aquino.

“Yes, I asked for the status, only the status. I could not possibly influence an RD (regional director) or an upper classman,” sabi ni Albayalde, patungkol kay Aquino na nauna sa kanya sa Philippine Military Academy (PMA).

“I would ask them because people would also be asking me, the fate of their father, the fate of these policemen, it was because I was the former provincial director,” ani Albayalde.

“But I never asked for a favor. I was askin­g for the status that is the very reason why Gen. Aaron here ordered for the review of the case which is i think normal in the process of PNP,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *