Diskarteng ‘end game’ inilatag ng mga kabataan ng Cebu City

INILUNSAD kahapon ng isang grupo ng kabataan sa Cebu City ang isang uri ng pagkilos na tinagurian nilang “end game” na naglalayong mabigyan ng kaalaman ang mga botante sa pagpili ng mga kandidatong iluluklok sa Senado.

The post Diskarteng ‘end game’ inilatag ng mga kabataan ng Cebu City appeared first on Abante News Online.

diskarteng end game inilatag ng mga kabataan ng cebu city - Diskarteng ‘end game’ inilatag ng mga kabataan ng Cebu City
ABANTE AKAP Sugbu - Diskarteng ‘end game’ inilatag ng mga kabataan ng Cebu City

By Armida Rico

INILUNSAD kahapon ng isang grupo ng kabataan sa Cebu City ang isang uri ng pagkilos na tinagurian nilang “end game” na naglalayong mabigyan ng kaalaman ang mga botante sa pagpili ng mga kandidatong iluluklok sa Senado.

Itinuon ni Jehdley Labita, convenor ng Abante Kabatan-onan Alang sa Progresibong Sugbu (AKAP-Sugbu) ang kanilang panawagan sa mga botante na huwag iboto ang mga kandidatong may bahid ng katiwalian.

Sa isang pulong-balitaan ng AKAP-Sugbo kamakailan, iniendorso nila ang kandidatura nina dating PNP chief Ronald “Bato” Dela Rosa at dating SAP Bong Go sa paniwalang malaki ang maitutulong sa mga kabataan sa susunod na Kongreso.

Sa pahayag naman ni Julius Cesar Lanojan, estudyante ng Cebu Technological Universty at miyembro ng AKAP-Sugbu, kailangan aniyang suriing mabuti ang katauhan ng mga kandidato at isa ang kanilang katapatan na dapat pagbatayan.

The post Diskarteng ‘end game’ inilatag ng mga kabataan ng Cebu City appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *