Disaster management ituro sa Grade 9

HINDI na kinakailangan pang magkaroon ng hiwalay na asignatura para maituro ang disaster ma­nagement.

The post Disaster management ituro sa Grade 9 appeared first on Abante News Online.

disaster management ituro sa grade 9 - Disaster management ituro sa Grade 9
abante Grade 9 - Disaster management ituro sa Grade 9

HINDI na kinakailangan pang magkaroon ng hiwalay na asignatura para maituro ang disaster ma­nagement.

Ayon kay Assistant Minority Leader at 1-Ang Edukasyon Party-list Rep. Bong Belaro, sa Grade 9 pataas maaaring ituro ang mga konsepto at elemento ng disaster management sa mga estudyante, bilang isang module sa asignatura o subject na Hekasi o Ara­ling Panlipunan, hindi bilang hiwalay na asignatura.

“Habang sa lower grade levels ay mga bahagi o aspeto na kayang maunawaan ng mga mura pa ang edad, hindi buong disaster management. Age-appropriate dapat,” paliwanag ni Belaro na vice chairman ng House Committee on Higher and Technical Education at miyembro ng House Committee on Basic Education and Culture.

Maari aniyang kasama ang guro ng Araling Panlipunan sa pagtuturo ng module sa disaster ma­nagement.

Pagdating naman sa kolehiyo batay pa sa kongresista ay mas komplikado na dapat ang aralin sa disaster management. ­(Aries Cano)

The post Disaster management ituro sa Grade 9 appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *