Diokno panalo sa boto ng Labor, lalabanan ang endo sa Senado!

NAKIISA ang human rights lawyer at kandidato sa pagkasenador na si Chel Diokno sa iba’t ibang labor groups na nagprotesta para wakasan na ang endo ngayong Labor Day, at sinabing ipaglalaban niya ang security of te­nure o seguridad sa trabaho ng mga manggagawa.

The post Diokno panalo sa boto ng Labor, lalabanan ang endo sa Senado! appeared first on Abante News Online.

diokno panalo sa boto ng labor lalabanan ang endo sa senado - Diokno panalo sa boto ng Labor, lalabanan ang endo sa Senado!
ABANTE chel diokno - Diokno panalo sa boto ng Labor, lalabanan ang endo sa Senado!

NAKIISA ang human rights lawyer at kandidato sa pagkasenador na si Chel Diokno sa iba’t ibang labor groups na nagprotesta para wakasan na ang endo ngayong Labor Day, at sinabing ipaglalaban niya ang security of te­nure o seguridad sa trabaho ng mga manggagawa.

“Ipaglalaban natin ang ating mga karapatan. Ititigil ‘yang endo na ‘yan.

‘Yung mga pagpapabor sa mga manggagawa na taga-Tsina, itigil na rin ‘yan.

Freedom is not given. Tala­gang we have to fight for it,” sabi ni Diokno.

“Ako’y nakikiisa sa lahat ng mga manggagawa, hindi lang sa pribadong sekt

or kundi pati sa government, kasi marami din tayong manggagawa sa government sector na hindi kinikilala ‘yung kanilang karapatan,” dagdag niya.

Nang tanungin tungkol sa magkaibang bersyon sa House of Representatives at sa Senado ng Security of Tenure bill na itinutulak din ni Diokno, sinabi ng respetadong abogado na ina­abangan niyang talakayin muli sa Senado ang panukalang batas para makita ang posisyon nito sa isyu, lalo na’t binatikos na ng mga samahan ng manggagawa ang bersyon ng Kamara.

“Parang naghihilahan ng mga iba’t ibang interes diyan pagdating sa contractualization,” ani Diokno.

“I think wala naman debate when we talk about the issue of 5-5-5, pero ‘yung labor-only contracting, ‘yun ang nagiging issue talaga,” dagdag pa niya.

Kahapon, inendorso rin si Diokno ng mga labor group sa pangu­nguna ng Defend Job Phi­lippines, na isinama ang kandidato sa kanilang ‘Pro-Labor’ o maka-manggagawang senatorial slate. Ayon kay Diokno, suportado niya ang Labor Agenda 2019, kung saan kabilang ang usapin ng kontraktwalisasyon, pambansang minimum wage, murang bilihin, benepisyo para sa mga manggagawa, occupational health and safety, right to self-organization, OFW at migrants’ rights, child labor, pagwakas sa pagkitil sa mga trade union, pagkontra sa mga hindi makatarungan na trade agreement at kahirapan.

The post Diokno panalo sa boto ng Labor, lalabanan ang endo sa Senado! appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *